Record Details
1 of 1
Book cover

Ang maikling kuwento sa Filipinas, 1896-1949

Anak ng Amerikanisasyon ang makabagong maikling kuwento sa Filipinas. Sumibol ito at lumusog, kung bagá sa halaman, sa alaga't dilig ng edukasyong pampanitikan mula sa Estados Unidos. Sa ganito nahubog ang mga unang kuwento nina Deogracias A. Rosario sa Tagalog at Paz Marquez Benitez sa Ingles. Kritisismong Amerikanisado ang ginamit nina Jose Garcia Villa, Alejandro G. Abadilla, Salvador P. Lopez, at Teodoro A. Agoncillo sa pagpatnubay sa mga kuwentista hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Ngunit wika ni National Artist Virgilio S. Almario sa aklat na ito, Amerikanisasyon din ang sanhi ng ilang tiwaling pagtingin sa maikling kuwento, at sa katha sa kabuuan, ng Filipinas. Una na ang pangyayaring naliligtaan ang ugat na katutubo ng salaysay, at lalo na ang bisà nitó sa naging hubog ng ating makabagong katha. Ikalawa, ang naging mababàng pagtingin sa dagli, isang pangyayaring dulot ng lubhang pagtangkilik sa pamantayang Amerikanisado sa pagsulat ng salaysay. Ikatlo, ang mapangmaliit na paglingon sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Hindi tuloy naisasaalang-alang ang higit na maagang kapanganakan ng maikling kuwento, katulad ng panukala ni V.S. Almario na pagpapahalaga ngayon sa "Pahayag" (1896) ni Emilio Jacinto, o kung maaari pa, sa "La maestra de mi pueblo" (1890) ni Antonio Luna.Dahil dito, isang bago't mapaghamóng kasaysayan at pagsusuri ng maikling kuwento ang binuo para sa atin ni National Artist Virgilio S. Almario. Pumilì din siyá ng mga kuwento sa Filipino, Espanyol, Ingles, at Sebwano upang higit nating mapahalagahan ang mga katangian ng maikling kuwento sa unang kalahating siglo nitó.History and anthology of short stories in the Philippines during the American Period.

Book  - 2012
TAGALOG FIC Almar
1 copy / 0 on hold

Available Copies by Location

Location
Victoria Available
  • ISBN: 9789712726699
  • ISBN: 971272669X
  • Physical Description print
    xx, 354 pages ; 26 cm
  • Publisher Manila : Anvil Pub., [2012]

Content descriptions

Language Note:
In Tagalog.